| magik |
[Sep. 5th, 2005|01:00 pm] |
|
salamat sa diwata
at sa kanyang hiwaga
tulad ng pagdaloy ng ilog
kasabay ng pagtakbo ng mga ulap
malaya kong ipagdiriwang ang
daplis ng hanging ngayon ko lang
nalalasap
Unos man ay dumating bukas palad
ko syang patutuluyin
magsasaya
magdiriwang
magpapakabas sa ilalim ng
ulan.
|
|
|
| tuluy tuloy na |
[Sep. 5th, 2005|08:17 am] |
|
hay.
nakakahinga na rin nang maluwag
salamat sa oras na inilaan
ng taong tunay ngang kaibigan
patanag na rin ako
sa wakas
malaya na.
|
|
|
| tatagal ka ba |
[Sep. 1st, 2005|08:19 am] |
|
hay.
eto na naman.
sana lang talaga pwede kong ikuwento lahat.
ang hirap.
ngayong alam mo na kung kanino ka umiibig
di mo naman maamin na sa kanya nga
kaya natatakot kang sabihin sa lahat
na mahal mo na nga sya
isa pa
baka maudlot
o di kaya'y
mawala na sya sayo
kaya tulad ng dati
magmamahal ka na lang
nang di nya nalalaman
masaya naman diba
pero hanggang kelan
ikaw din
baka sumabog ka na nyan.
BOOM!
_____________
smile para di mahalata =) |
|
|
| BANGAG! |
[Aug. 26th, 2005|09:30 am] |
|
Alam mo yung pakiramdam na umiibig ka pero di mo alam kung kanino
yung tipong di ka makatulog sa gabi
yung tipong bugbog ka na sa kahahanap ng tamang pwesto sa higaan mo
yung pakiramdam mo lumulutang ka, dinuduyan ka
yung tipong ang dami mong gustong sabihin pero di mo masabi
yung tipong ang saya saya saya saya pero di naman talaga
pero masaya rin
yung tipong may lihim ka
pero wala kang mapagsabihan
o kung meron man
wala ka naman pala talagang sasabihin
...
...
...
pero wala kang ibang magawa
kundi magpakalunod.
|
|
|
| bente uno |
[Aug. 15th, 2005|01:21 pm] |
|
ang tanda mo na. kung sa bagay edad lang naman ang nagbago o kung meron pa man, hitsura pero ikaw ay ang dati pa ring ikaw: makulit, mapagbiro, isip-bata, nakikipaglaro sa mga bata, barkada ang mga bata, gustong maging bata, namimiss ang pagkabata. hay.
sige lang, ienjoy mo lang yan. lam ko namang alam mo ang ginagawa mo eh. alam kong marami kang gustong gawin, nagpapahinga ka lang habang pinaghahandaan mo yun. sige lang...
pero yam, dapat mong tanggapin na normal lang ang mga pagbabago sayo. di pwedeng ganyan ka nalang habangbuhay... oo nga't may mga bagay na kelangan mong panatilihin pero dapat mo ring isipin na kelangan mo rin ng pagbabago... di ka na bata. masakit mang tanggapin, pero totoo. tama na ang paglalaro, simulan mo nang harapin ang tunay na buhay.
wag kang matakot. normal lang yan.
maaga pa man para paghandaan ang kinabukasan pero dapat mong tandaan na hindi natin alam kung ano ang susunod na mga pangyayari. kelangan mo nang kumilos habang di pa huli ang lahat. mas maaga, mas mabuti.
di ko maintindihan sayo kung baket ka nagkakaganyan. pag meron ayaw mo, pag wala hinahanap mo (o, wag nang itanggi, kilala na kita!) oras na siguro para buksan mo ang pinto para sa mga pagkakataon... ikaw din, baka maiwanan ka ng byahe.
hindi habangbuhay magiging kaseng ideyal ang mundo tulad ng iniisip mo. hindi habangbuhay, maganda ang lahat para sayo. may unos na dadating, may mga luhang tutulo kaya dapat mo na itong paghandaan.
hindi ka pwedeng magpatawa at magpasaya lang ng ibang tao habangbuhay.
hindi kita tinatakot. sinasabi ko lang ang totoo. ikaw na bahala kung pano mo tatanggapin ang lahat ng sinasabi ko sayo.
|
|
|
| KAPE! |
[Aug. 10th, 2005|01:16 am] |
|

giniling na coffee beans + giniling na butil ng mais = BAGOBO coffee |
|
|
| isang maulang sabado... walang magawa |
[Aug. 3rd, 2005|03:15 pm] |
|
kaya naman naisipan ni yam at ng kanyang pinsan ang maligo sa ulan

di pa nakontento, lumabas at tinawag ang buong tropa

at naglaro nang magkakasama

haha, ansaya dahail kasama si jirah

hay naku yam, ambabaw mo talaga... =)
 |
|
|
| UP FIGHT! |
[Jul. 18th, 2005|11:06 pm] |
|
3-0 na tayo! go UP go, UP fight, fight, fight! |
|
|
| hAy |
[Jul. 4th, 2005|08:11 pm] |
"ate, ayaw ko mag aral dito sa davao", sabi ng kapatid ko isang umaga. "Baket naman?" tanong ko. "e kase walang bagyo dito, tapos konti pa ang holiday." oo nga. mas madami ang araw ng pasukan dito. kawawa naman ang kapatid ko, mas marami ang mga umagang igigising nya nang maaga... mas marami ang mga hapong maghahabol sya ng dyip pauwi sa amin. Pero ayos lang, masaya naman sya sa eskwelahang pinapasukan nya. Isang buwan pa lamang syang pumapasok ay may kabarkada na sya. Kakainggit sya. Andali lang para sa kanya ang kalimutan ang mga bagay na dati nyang ginagawa noong nakatira pa kami sa Maynila. Ambilis lang din para sa kanya ang kalimutan ang mga kaibigang dati ay parati nyang kasama. Hay. Sana katulad nya ako. Sana kahit papaano ay dahan dahan ko nang natatanggap na nasa ibang mundo na ako, na hindi habang buhay ay kasakasama ko ang mga taong naging karamay ko sa mabahang panahon, na normal lang ito,na balang araw ay magkakasama rin kami... Pero paano ko magagawa ito. Paano mo aalisin sa sistema mo ang matagal nang nakasanayan. paano mo makakalimutan ang mga taong sobrang naging bahagi na ng buhay mo. sa tuwing maririnig ako ng kanta, may naaalala ako... sa tuwing may sumasayaw, may naaalala ako... sa tuwing kumakain ako, may naaalala ako... nakakatawa pero kahit sa simpleng pabango at amoy ng shampoo sa buhok may naaalala ako. isa pa, di ko maiwasang ikwento kayo sa mga taong di naman kayo kilala at di pa nga kayo nakikita. bka nga minsan iniisip na naila na baliw ako. pero wala akong magagawa... di ko talaga maiwasan. ang malungkot pa dyan, mag-isa lang akong natatawa kapag may naalala akong nakakatawang pangyayari (sino ba naman ang iba pang makakarelate diba?) at mag-isa lang din akong nagdadalamhati sa tuwing nakakadama ako ng pagkamiss sa inyo. hay. ang hirap. pero dapat kong kayanin. pinili ko ito. kaya dapat kong panindigan. matagal pa bago ko tuluyang matanggap pero alam ko, kaya ko ito alam ko na namang andyan pa rin kayo at may babalikan pa ako hanggang sa dulo... |
|
|
| For more... |
[Jun. 21st, 2005|04:23 am] |
|
June 21, 2005</st1:date>
6:30 am
PAL Flight 809
Biyaheng Davao
Di ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Dapat sana’y nasa Davao na ako pero biglaang napunta ako sa Cebu. Para akong natatae na inaantok na naiihi na nanghihina na nangangating tumayo sa aking kinauupuan at gumala sa buong eroplano na atat nang lumapag na kung pagsasamasamahin ko’y isang pakiramdam ng walang kapanatagan na kung aaminin ko lang ay magiging isang salita – TAKOT. Takot na baka ito na ang huling araw ko sa mundo.
Mabilis ang pangyayari. Kani-kanina lang ay malugod pang ipinahayag ng kapitan ang mga linyang “ We are now approaching Davao International Airport. “ At medyo may galak pang idinagdag na “We are ten minutes ahead of scheduled time.”
Sumilip ako sa bintana at oo, tama nga, natatanaw ko na ang kahabaan ng Davao River, ang tulay ng Bankerohan, at ang kabuuhan ng siyudad.
Ang huling pagkurba habang natatanaw ang isla ng Samal ang hudyat na sa ilang sandali ay nasa runway na ang eroplano. Ngunit di ganoon ang nangyari.
Laking gulat ko nang maramdaman kong sa halip na pababa ay muling tumaas ang aming paglipad. Pataas na tila iniikot ang buong Davao habang sinasalubong ang malalaking ulap ma kanina pa’y tila nakaaapekto sa aming biyahe.
Anuneh, isa na naman ba itong flight 541 na dati’y nag crash sa Samal Island dahil sa tagal nang pag ikot ikot sa himpappawid? Waaah…
Diba walang survivors dun?
Sunog na bangkay pa ang mga biktima ng trahedya diba?
At nawala din ang black box, waaaaaaaaaaaaahh…
Maya-maya’y nagsalita na ang kapitan. Ayon sa kanya, di raw kinaya ng aming erolano ang lumapag dahil sa kapal ng ulap. Mababa pa raw ang temperature ng siyudad kung kaya’y medyo humid din ang paligid. ”Zero Visibility “ daw ayon pa sa mga crew. Kung kaya’t napagdesisyunan ng Kapitan na pansamantala muna kaming bumalik at lumapag sa Mactan International Airport sa Cebu. Doon daw namin aantayin ang advise ng ATO kung kelan kami ulit maari nang lumapag.
Di man nag-pannick ang mga pasahero, dama pa rin ang kahit papaano’y pangangamba dahil kahit na patungo na kaming Cebu ay tila malubak pa rin ang aming pagbiyahe.
7:15 am
Mactan, Cebu City
Matapos ang mahigit kumulang tatlumpung minutong paglalakbay, nakalapag kami sa Mactan. Matagal-tagal rin ang aming inilagi doon bago ipinaalam ng piloto na maaari nang lumapag sa Davao. Inaantay lang daw namin ang pagrerefuel nila.
8:30 am
Mactan
Isang oras at mahigit ang lumipas nang muli na namang nag take-off ang eroplano. Sa pagkakataong ito, pabalik na naman sa Davao. Tulad kanina, tila naghihingalo pa rin ang eroplano sa tuwing umaangat at nakakasalubong ang mga ulap.
Pinipilit kong makatulog para nang sa gayun sana’y Davao na pagkagising ko. Pero di kinakaya ng powers kong kalimutan na nasa bingit pa rin kami ng kamatayan. Sa buong biyahe naming pabalik ay nakadikit lang sa bintana ang mukha ko. Iniisip ko na ang mga puweng mangyari, ang mga dapat kong gawin at ang mga bulong sa sarili na nagsasabing “ basta, kahit anong mangyari, mabubuhay ako. Di ako matutulog para may saksi sa mga pangyayari. Mahirap na, baka mawala na naman ang black box ( na palagi nalang nawawala kapag may aksidente ng eroplano)
Matapos ang ilang minutong pag-iipon ng lakas ng loob at pakikipag usap kay alter, laking tuwa ko nang muli ay narinig ko si Kap “ In a few minutes we shall be landing at the Davao Int’l Airport. We are very sorry for the delay. Please understand that we prioritize safety above all. Thank you and good day.”
Hay, salamat. Sa wakes, makakarating na rin kami… at tsaka salamat din at buo pa ang katawan ko. Lahat sa akin ay kumpleto pa naman =)
9:00 am
Davao
At ayan, nakalapag na nga kami sa airport ng Davao. Sabi pa ng babae “ Once again, we thank you for flying with Asia’s first and sunniest. Good day and Mabuhay!
Sa isip ko naman “ Talagang mabuhay!” =)
Yun lang naman ang pinagdaanan ko. Bukod sa kaba, nakakapagod din ang paulit ulit na instructions sa tuwing magttake off at landing. Pero ang pinakamahirap sa lahat ay ang iniisip mo ang mga posibleng paraan ng pagkamatay mo habang nakikipag away ka sa sarili mo at kinukumbinseng kaya mo, na di mo pa katapusan at kahit gaano kahirap ay kakayanin mo, mabuhay ka lang.
|
|
|
| Muli, isang pasasalamat |
[Jun. 21st, 2005|04:05 am] |
|

salamat kay ate mel pio sa litrato "CASTPERS"
Sa mga kaibigang nagpadama ng pagmamahal at pinilit na muling magkita kita at mag salu salo
sa huling pagkakataon bago magsimula ang mga buhay-buhay ng mga tao
Sa mga taong siningit sa mga skeds nila ang pagkikita para lang makapagkuwentuhan
at mapagbuhusan ng mga problema at sama ng loob
Sa mga blockmates na super duper mega supportive, loving at lambing
Sa mga nagprepare ng pagkain at games para maging masaya ang bonding
Sa mga game na game na nagpakabata ( hindi, bata pa lang talaga tayo) para lang
maging masaya ang maghapon
Sa mga nambabara
Sa mga nang epal para lang masapawan at matalo ang kabilang grupo
( di ka magiging masaya… hehe)
Sa mga tumatawa sa mga corny na jokes
Sa mga sumulat ng best memories sa likod ko
Sa mga kasama at nakita ko sa fete
Sa mga naabutan ko sa tambayan
Sa mga nagsoli at pinaghiraman ko ng mga anik anik
Sa mga nagburn ng pictures, thesis at kanta para baunin ko pabalik sa Davao
Sa mga nakisalo sa kalokohan
Sa mga taong laging andyan
Sa mga kaibigang di kailanman nagkakasawaan
Sa mga tunay na taong nangangating marinig ang tsismis
Sa mga pulubing nag eenjoy sa pangmayamang tahanan ni Mommy Eya
Sa mga nagbigay at nagpamana ng gamit alaala
Sa mga di nakapunta dahil may ibang lakad o di kaya nama’y gwardyado ni papa
Sa mga di ko man lang nakita at nasilayan, lam kong may dahilan ang di nyo pagpunta
Sa mga taong kahit kelan ay di ko makakalimutan
Sa mga nakamiss at namiss ko
Sa inyong lahat…
Salamat, salamat, salamat
Di nyo lang alam kung pano nyo ako pinasaya…
Hanggang sa muli. |
|
|
| after 48 years |
[Jun. 14th, 2005|10:48 pm] |
| [ | Current Mood |
| | relieved | ] |
hay, ayaw ko pa sana magsulat hanggang di ko muling nakikita ang mga mahal kong k4 para if ever marami pa kameng mapag usapan pero sa dami ng mga nangyari sa akin, siguradong makakalimutan ko na ang iba at isa pa baka sumabog na ako dahil sa dami ng dinadala ko, kaya eto na po.
I AM YAM.
last night, my mom ang i had a big fight.(o divine, carry ko ng makipag away sa nanay ko ngaun! hehe) Pero, seryoso ako. Di na kase kinaya ng anghel sa katauhan kong manahimik at magkubli na lang. She asked me to tell her everything i want to say. ayaw ko sana. pinipigilan ko ang sarili ko pero mapilit sya kaya ayun... DUELO!
mahirap talagang magpalaki ng nanay.
i felt sad kase sa tagal ng panahon kagabi ko lang nasagot ang nanay ko nang ganun katindi pero ok narin yun at least nailabas ko lahat bago pa ako mabaliw... RELIEVED!
come on down, Kumplikasyon... di nga lang sa pag ibig (diba, matalik kong kaibigan? =) )
tapos bigla kong naisip na wala na akong mahihingan ng pamasahe ko pabalik ng maynila. buti nalang at laging andyan ang aking ever loving and pretty tita to comfort me... salamat din sa ate ko at sa taong nakaimbento ng credit card, hay..
ayun.
kahapon, i received a text from abs. interview daw. at first, nakakapanghinayang, parang gusto ko tuloy lumipad pabalik ng maynila agad pero naisip ko rin na mas sayang ang work ko dito. Sobrang blessing sa akin ang work ko. At least dito, gusto ko ang ginagawa ko. Haha, saya. Bait ng mga tao. Bait ni Lord!
yun nga lang, kelangang magsacrifice. Dahil ok ang work, kelangan kong tanggapin na malayo ako sa mga kaibigan at mga taong napamahal na sa akin. Sa pictures ko na lang kayo nakikita pero ayus lang, ganyan talaga... magkikita rin tayo... magkakasamasamang muli... balang araw.
kelangan kong sanayin ang sarili ko na davao na ito at di maynila... na walang quiapo dito... walang divisoria... walang ccp... walang mrt... walang tokyo tokyo... walang monay... walang k4... walang cast, mco at tambayan... walang cine adarna... walang blue, yellow, red at iba pang kulay ng kabadingan... walang nbi missions... walang chimis...walang girlfriends... pero in fairness madaming bading, hehe
hay.
tiis muna.
masasanay din ako sa ganitong buhay.
wag mag alala, malapit na akong present sa mga ym sessions at puyatans.
sa ngayon, immersion muna with the badjaos, meetings, editing... yun.
yun na lang muna.
magsusulat ako ng mas matinong entry sa susunod.
pansamantala, paalam kaibigan. |
|
|
| huling hirit bago grumadweyt |
[Apr. 23rd, 2005|02:15 am] |
|
hay. di ko na naman napigilan. kahapon, after lunch pa sana ako pupunta sa masscomm but no, bigla akong nagmadali nang mabasa ko ang text ni dianne sakin : yam, dali, andito ang kumpadre ko, naka-hawaiian shirt!
di pa sana ready si yam dahil masaya pa siyang nagbabasa ng libro pero wala na syang nagawa kundi magmadali at lumipad papuntang UP. ayayay pag-ibig!
at syemps, isang malupet na tanawin nga nag naabutan, hehe. oo nga't naka hawaiian chorva talaga sya, kulay kahel pa at super gwapo nya... hay. as if nananaginip na naman si yam. tatlong beses syang dumaan sa harap namen pero wlanag ibang nasabi si yam kundi: hi po.
di ko maintindihan ang pakiramdam ko. parang gusto kong gumulong at magsisigaw... gusto kong tumalon talon at kumanta kanta habang naglalakad, gusto kong yakapin lahat ng kakilala ko, gusto kong halikan lahat ng mga taong nakakasalubong ko... basta, ganun ako kasaya.
pero di pa talaga ako nakontento dun. bumalik kame sa masscomm kinahapunan. dala ko ang isang pulang gumamela na sinabi ko kina memoy at dianne na ibibigay ko sa kanya para magmatch sa hawaiian get up nya. di naman pinalampas ng dalawa ang kahibangan ko at talagang suportado pa nila ako. pero la ang kotse sa masscomm...
haha, di pa tapos. as if naman di ko alam ang mga pinupuntahan nya. at di nga kame nabigo, nakita namen ang kotse niya. haha, sa pangalawang pagkakataon ay naglagak ako ng bulaklak sa kotse nya... hehe, la lang. dapat lalagyan pa namen ng note pero wag nalang.
at di pa talaga nakontento. chineck pa namen kung nakuha nya ang bulaklak :) pumunta pa kame sa bahay nya pero la pa sya dun... kaya tumambay nalang kame sa labas at nagkuwentuhan, haha
mare, sayang wala ka. kyut din si kumpadre, naka olive green na polo, hehe. namiss tuloy kita.
"may sayad ka ba o baliw ka lang talagaaaa..."
umiibig marahil.
umiibig nga.
allan k: kaibigan, kaibigan! nagmamaganda ako... kase umiibig ako, hehe |
|
|
| K4 Dreams |
[Apr. 19th, 2005|03:10 am] |
| [ | Current Mood |
| | as ever! | ] |

malayo pa ang lalakbayin natin. marami pang mangyayari.
kapit lang. walang bibitaw. walang iwanan. tuluy tuloy lang.
mararating din natin yun nang di namamalayan.
|
|
|
| twelve onwards |
[Apr. 18th, 2005|02:23 am] |
| [ | Current Mood |
| | waaaaaaaaah | ] |
mayamaya lang, rehearsal na namen for graduation sa masscomm pero eto pa rin ako sa harap ng computer, nanggagalugad ng kung anupemen at kung anupebeh... hay.
ayun. at gud lak sa entry kong ito na 48 years na, di pa rin tapos dahil dami kong ibang inaatupag na iba.
hay. medyo kumplikado ang estadong kinalalagyan ko ngayon. ayaw ko na pero gusto ko pa rin sya, hehe (ang high school ng hirit diba?) hay naku talaga. hay layp. hay lablayp. sana nga lablayp nalang. e hinde pa naman.Waaaaaaaaaahhhh...
Kumplikasyon, come on down! Help, Ju! Berto, tulong... matalik kong kaibigan, nasan kaaaaaa...
|
|
|
| CCP trip |
[Apr. 13th, 2005|02:53 pm] |
| [ | Current Mood |
| | as ever! | ] |
CCP, CCP, CCP, CCP?
yeah, ccp is anywhere but ccp...
and last night, ccp is in tagaytay... come on down...
wala kaseng magawa
kaya, ayun... haha, go,go,go!
from qc to merville to las pinas to slex and syemps sa final destination!
hay, si memoy talaga, anytime , anywhere.
salamat, salamat. saya sobra!
kay ju na super game, alabsyu matalik kong kaibigan. "dito, dito sa puso ko..."
kay dianne na nag "sneak-out" daw pero hinatid pa ng yaya palabas ng gate, hehe
kay tetet na kaboses ni mahal
at syemps ang alamat at dyosa ng ccp na si memoy, thank you mga tsong!
asteeg.
muli isa na namang ura-uradang gala!
a trip to tagaytay at 1am, come on down, 8-15 talagaaaaa, winner as in WINNER!
sana next time mas malayo pa, haha... hello CALATAGAN, hello LAKE CALIRAYA, hello QUEZON.... hello TURTLE ISLANDS, hehe, why not?
tara na memoy, let's find the third and hopefully the FINAL sign! =)
hay. i love ccp. |
|
|
| adarna at hardin |
[Apr. 12th, 2005|02:01 am] |
hardin sa adarna
hay, sa wakas nagawa na rin namen ang matagal nang pinaparangap. we've finally seen it! anlupet... asteg talaga ang taste ng kumpadre ko. asteg, anlufet. ganda ng tahanan nyo mare!
dapat ay magbabayad kame ng tcg sa pnb pero dahil box-office ang pila, sumuko kame at nagdecide na mag adarna adventure na lang. at dahil dala ni armidoodles ang kanyang mahiwagang kotse, agad nameng binaybay ang kahabaan ng balara para sa isa na namang misyon. haha. at di kame nabigo.
eksklusibong subdibisyon ang aming pinasok pero sabi nga nila walang mahirap pag gusto kaya naman talagang di kame pinahirapan ng tadhana. asteg. di man lang kame naligaw.
malupet ang tahanan ni kumpadre. luma kung titignan pero kamangha-mangha ang disenyo at ang istraktura sa kabuuhan. idagdag mo pa ang magagandang bulaklak sa palibot na tila mga binibining nakangiti at nakaabang sa iyong pagpasok. corner lot kaya kita mo sa maraming anggulo ang kagandahan. asteg talaga.
syemps, di rin namen pinalampas ang pagkakataon ma magpaKODAK baga. (hehe) Kebs sa mga dumadaan na kapitbahay at sasakyan. ang mahalaga ay may souvenir man lang kame sa aming pagpunta sa mahiwagang adarna.
umaapaw na kasiyahan ang aming naramdaman, di ko lubusang mapaliwanag. ah basta, ang saya. kitangkita ko sa mga mata ni kumare ang saya. hay. kakaiba talaga. kahet nga si mahal at mommy eya312 , tuwang tuwa. pakiramdam namen nanalo kame sa kung anong race =)
mission accomplished!
feeling adarna
at dahil nagawa na namen ang isa, itinuloy na namen ang trip. challenge # 2: ang pagtawid sa pipeline sa umpisa'y masarap ang pakiramdam. pero kapag nasa bahagi ka na kung saan makikita mo ang sapang dumadaloy, dun ka na makakaramdam ng takot. kakaiba. manginginig kang bigla na para bang may humihila sayo pababa o pabalik sa umpisa.

buti nalang at nalampasan din namen. pagkatapos nun, ayus na ako. sarap! parang isang ibong malaya at maingat na lumilipad. ansarap lalo na nung nasa dulo na kame. asteg na naman. mababaw talaga ang block namen pero kahet na masaya naman.
chibugan sa hardin
pagkatapos, tumuloy kame sa isawan sa may ilang para sa isang " hapi bertdei liar" treat. kasama nga pala namen si olai at tris (masabi lang!) ayun tapos tuloy na sa knl para sa dan eric's ice cream, ansarap!
at dahil mahal ako ni kumare, tumuloy kame sa aming tahanan, sa hardin, hehe. wala si beh pero at least nasilayan nila ang aming munting tahanan. di man ito kasing ganda ng kina kumare, ayus na ito sakin. mas maliit, mas sweet,hehe. dun na rin namen nitira ang ice cream na supah sa sarap. as in. i love you dan eric's. kung sino ka man. ay teka kapatid mo ba si dan****? love ko rin kase sya, hehe. (masabi lang)
sa likod ng hardin at adarna
kung iisipin, wla naman talaga kameng napala sa mga ginawa namen, konting kilig lang at konting excitement.pero para sa amen, malakig achievement na yun, divine mare? sayang nga lang at di nila alam na ganito namen silang hinahangaan. kung sabagay, kebs naman nila sa amin.hay, as if ikatutuwa nilang malaman na may mga tangang umaaligid sa kanila at masaya na kahit buhok o likod lang nila ang makita. hay.
pero salamat sa kanila. kung wala sila, di kame ganito ka inspirado. di magiging ganito kasaya ang college life namen. sila ang mga dakilang guro namen, sila ang inspirasyon namen. sila ang pag ibig namen.
corny na kung corny. oa na kung oa. baduy na kung baduy. ang mahalaga, masaya kame. kebs na sa sasabihin ng iba. nag eenjoy kame at yun ang pinakamahalaga.
_______________________________________________________
habertdei sa pinakamamahal kong si MAHAL. happy birthday mahal ko. salamat po sa lahat, lahat. kahet may boyfriend ka na, di mo pa rin kame nakakalimutan. salamat sa lahat ng pinagsamahan at mga pagsasamahan pa natin. Salamat sa pagkakaibigan at higit sa lahat sa pagmamahal. mwah. salamat sa lahat, lahat. mwah ulet. tsup,tsup, hehe.
|
|
|
| navigation |
| [ |
viewing |
| |
most recent entries |
] |
| [ |
go |
| |
earlier |
] |
| |
|
|